
masaya ang naging pagsalubong namin ng bagong taon dito sa arellano village, kabikabila ang pagsabog ng naglalakasang paputok gaya ng kingkong, goodbye phillipines at bomba ni bin laden, isa sa mga tampok na inaabangan ng lahat ay ang fireworks ni kapitan na inilagay sa rooftop nila mang omeng na naging sanhi ng pagkabutas ng kanilang bubungan matapos sumablay ang isa at bumalik paibaba at doon na tuluyang pumutok hehe salamat sa diyos at walang nasaktan...
sa kabila ng pananabik ng aking mga kabarangay na masilayan ang sinasabing fireworks ay muntik pa nila itong hindi makita matapos sabayan ng aking dakilang kumpare na si eduardo panopio na anak ni mang boyet at aling susan ng paglalatag at pagpapaputok ng 5000rounds ng sinturon ni hudas (sawa) na siyang may likha ng napakakapal na usok na bumalot sa buong arellano village na naging dahilan upang ang lahat ay wala ng makita.
masaya ang pagpasok ng taong 2008 sa akin matapos humingi ng tawad ang aking kapatid na matagal ko ng hindi kinakausap at kinikibo, pinagsisihan na daw niya ang lahat, miss na miss na daw niya ako ako at mahal na mahal, naiyak siya matapos niya akong yakapin ng mahigpit..
welcome 2008 !!!