MURANG AUTO PARTS BA? TAWAGAN MO AKO 09165322335

About Me

My photo
Nothing interesting about me.. let's just do business hehe..
HI, I'M ROBERTO SADIE ALSO KNOWN IN THE MARKET AS THING (REGION 3), I'M AN AUTO PARTS SALES SPECIALIST, I SELL AUTOMOTIVE PARTS FRESHLY FROM JAPAN SUCH AS SUSPENSION PARTS, ENGINE PARTS AND DIFFERENT KINDS OF FILTERS AND BUSHINGS, WE DISTRIBUTING PARTS ALL OVER THE PHILLIPINES BUT MOST OF MY CUSTOMERS ARE SERVICE CENTERS AND AUTO PARTS WHOLESALER IN REGION 3 (BULACAN, NUEVA ECIJA, TARLAC, PAMPANGA, BATAAN AND ZAMBALES). SO GUYS IF YOU'RE LOOKING FOR A CHEAPER AND TRUSTED PARTS ALL YOU HAVE TO DO IS TO LIFT UP YOUR PHONE AND JUST SIMPLY PRESS THE NUMBER 09165322335 AND I'LL GUARANTEED YOU THAT YOU'RE IN THE GOOD PERSON WITH THE RIGHT PARTS IN THE RIGHT PRICE.. BEWARE OF FAKE PARTS IT CAN RUIN YOUR CAR...

Sunday, February 17, 2008

HEART NICOLE M. SORIO....


si Heart Nicole ang lucky charm ng aking kumpareng si robert sorio...
sa liblib na lugar ng LIPA bayan ng Batangas hilagang bahagi ng luzon matatagpuan ang isang mansion kung saan naninirahan ang aking kumpareng si robert kasama ang kanyang pamilya...
dakong alas-otso ng umaga kanina ng simulan naming lakbayin ang daan patungo sa kanilang mansion kasama ang iba ko pang kumpareng si nolet at ang kanyang asawa, bernard at iba pa upang dumalo sa unang taon ng pagdiriwang ng kaarawan ni Heart Nicole ang bunsong anak ni robert na siyang nagdala ng sunod-sunod na swerte sa kanyang buhay...
alas-onse ng umaga ng marating namin ang lugar, bago kami tumuloy ay nagdaan muna kami sa makasaysayang cathedral ng lipa kung saan nanggaling ang ating kasalukuyang arsobispo na si rosales.
pagdating namin sa kanilang tahanan ay agad kaming pinakain, iba't-ibang putahe ang nakahain na siya ring sumira sa aking diet program, matapos ang pananghalian ay amin ng sinimulan ang inuman, RED HORSE the premium strong beer na siya na rin minsang nagpabagsak sa'kin kung kaya't hindi ako umiinom ng marami.
lumipas ang mga oras, naka-apat na bote na ako ng beer at naka-walo na akong kanta sa videoke ay dumating na rin sa wakas si pareng ronald ang hari ng cavite dakong alas-tres ng hapon lulan ng kanyang bagong sasakyan...
kung ano mang sasakyan ay hindi ko na babanggitin at baka mabasa pa ng ingiterong kalbo...
alas-kwatro ng hapon ng magkayayaan na kaming umuwi upang hindi na gabihin pa sa daan, kamayan, pasalamatan at halos parang ayaw ng maghiwalay ang eksena kadalasan kapag kami ay naghihiwahiwalay, matulin magmaneho ang pinsan ni nolet kung kaya't ilang oras lang ay nasa maynila na kami.
alas-syete ng gabi ako dumating sa bahay, nagpahinga ng kaunti at akin ng sinimulang isulat ang isang panibagong kuwento na nadagdag sa aking buhay.
napakasaya ng araw na ito...
MALIGAYANG KAARAWAN SA IYO HEART NICOLE SORIO