
tila nagbabadya na naman ang mga piniratang 555 sa market matapos akong makakita ng ilang pekeng 555 sa aking customer. isang ahente daw dun ang nagpunta at nagalok ng genuine 555 di umano at nagbigay din ng special discount, ngunit kapag kanila daw itong tatanungin sino ang supplier ay kanya itong inililihim kung kaya't nagkaroon na nga ng pagdududa ang aking customer, nagorder sila ng ilang pirasong fast moving item ng 555 at kanila itong ipinakita sa akin. matapos kong masuri ang piyesa ay kumpirmado nga itong peke.
mukhang nagkalakas na naman ng loob ang mga manufacturer, distributor at importer na magbenta ng pekeng 555 matapos matalo sa kaso ang isang lihitimong importer ng 555 at ang isa pa sigurong nagbigay ng lakas ng loob sa mga pirata na yun ay ang pagkawala ng mga magagaling na ahente ng nasabing lehitimong importer, dahil kung ikaw ay isang baguhan sa larangan ng pagbebenta ng nasabing produkto ay talagang mahihirapan kang malaman kung alin ang peke at alin ang genuine.
at para naman sa mga indibidwal na may sasakyan na maaring maging biktima ng mga piniratang 555 sundin lamang ag mga sumusunod upang matiyak na ang 555 mo ay genuine at hindi peke.
KATANGIAN NG PEKENG 555
- KAPAG ITINUPI MO ANG KARTON AY MADALI ITONG MABIYAK O MAPUNIT (MALUTONG ANG KARTON)
- MATINGKAD O DI KAYA AY MAPUTLA ANG KULAY NG KARTON
- MADALING MABURA ANG PRINT SA PLASTIC PACKAGING
- HINDI MAGANDA ANG FINISHING NG BAKAL (UNEVEN EDGE CUTTING)
- SABOG ANG PAGKAKASUNOG NG BAKAL (HEAT TREATMENT)
- SOBRANG MURA NG PRESYO.
- MALUTONG ANG RUBBER BOOTS
- MADALING MASIRA
kaya para makasiguro ugaliing hanapin ang importers special sticker (H)
No comments:
Post a Comment